Tricycle drayber, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Muntinlupa

61

Muntinlupa City – Idineklarang dead on the spot ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa barangay Bayanan, Muntinlupa City nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Rogie Reyes, residente ng San Guillermo St. ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng National road sakay ng kanyang tricycle na may plakang UX-811 nang sumulpot mula sa likuran ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima sa ulo dahilan para agad itong bawian ng buhay.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na nakatakas sakay ng motorsiklong walang plaka.

 

Facebook Comments