14 na bilyong pisong halaga ng investment pledges nakuha ni PBBM sa biyahe sa Tokyo, Japan

 

Nakalikom si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng nasa labing-apat na bilyong pisong halaga investment pledges sa kanyang biyahe sa Tokyo, Japan.

Ayon asa pangulo, may nalagdaang siyam na MOUs o Memorandum of Understanding ngayong araw.

Nangyari ito matapos ng kanyang pagdalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo.


Bukod dito sinabi pa ng presidente na nangako ang mga malalaking kompanya sa Japan na maglalagak sila ng negosyo sa iba’t ibang larangan sa bansa.

Samantala, ayon naman kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go nasa 20 kompanya naman ang nakapaglatag na ng 169 bilyong pisong halaga ng actual investment na siyang resulta naman ng naging biyahe ni Pangulong Marcos sa Japan noong Pebrero ngayong taon.

Matatandaang isa sa layunin ng pagtungo ng pangulo sa Japan ay upang himingi ng updates sa mga kompanyang nangakong mag-i-invest sa Pilipinas.

Facebook Comments