14 na Katao, Inaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Rehiyon Dos

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga kapulisan ang labing apat (14) na katao na Wanted sa batas sa magkakahiwalay na operasyon dahil sa mahigpit na kampanya sa ilalim ng Oplan Manhunt Charlie kahapon.

Ayon kay P/Lt.Col. Chevalier Iringan, Public Information Office ng Police Regional Office 2 (PRO-2), nakilala ang mga suspek na sina Melancio Lumauan, 54 anyos, may asawa, truck driver at residente ng Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury and Damage to Property, Neal Harvey Manuel, 20 anyos, binate at residente ng Brgy. Centro 3, Luna, Isabela sa kasong R.A 9262, Rommel Vivit, 42 anyos, may asaw, laborer at residente ng Brgy. Centro East, Ballesteros, Cagayan sa bisa ng warrant of arrest nito sa kasong Homicide, Alvin Soler, 27 anyos at residente ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela para sa kasong Direct Assault; Charlie Aquino, 23 anyos, walang asawa, construction worker na residente ng Brgy. Faustino, Cauayan City sa kasong Child Abuse; Ellaine Suralta, 45 anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Quirino, Solano, Nueva Vizcaya sa kasong RA 11199 o SSS Act of 2018 at ang mag asawang Celia at Francisco Malanum na residente ng Brgy. Bonfal East, Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong Falsification of Documents.

Samantala, inaresto din ng mga otoridad sina Alexander Yango, 51 anyos, construction worker at residente ng Brgy. District 1, Cauayan City sa kasong Physical Injuries, Esther Serquinia, 47 anyos, isang guro, Osias Serquinia, 42 anyos, may asawa, negosyante at Michael Serquinia, 39 anyos, may asawa na kapwa mga residente ng Brgy. District IV, Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong pamemeke ng dokumento habang kinilala ang isang inhinyero na si Reynaldo Agub, 61 anyos matapos ang paglabag sa kasong Falsification of Private Documents at Fred Concepcion, 25 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Bacneng, Sta. Fe sa parehong lalawigan para sa kasong Act of Lasciviousness.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga kapulisan ang mga akusado sa kani-kanilang lugar.

*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, PRO2, P/Lt. Col. Chevalier Iringan, P/BGen. Angelito Casimiro, Cauayan City, Luzon*

Facebook Comments