Cauayan City, Isabela- Nasa labing-tatlo (13) na Person’s Under Monitoring ang kasalukuyang binabantayan sa Lungsod ng Cauayan kaugnay sa Coronavirus disease o COVID-19.
Ito ang ibinahagi ni Ginoong Errol Maximo, tagapagsalita ng Task Force COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan, sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Ang labin apat na indibidwal ay ibinigay aniya ng Bureau of Quarantine na kailangang imonitor sa bawat barangay sa Lungsod kung saan nakatira ang mga ito at isailalim sa monitoring.
Nilinaw ni Ginoong Maximo na 3 sa labing-tatlo ay natukoy na ang lugar na kinaroroonan ng mga ito, samantalang ang 10 ay hinahanap pa sa kasalukuyan habang ang isa ay nasa hospital na at inoobserbahan matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19 at itinuturing ng PUI (Patient Under Investigation).
Kina-kategorya aniya ang mga ito na person under monitoring kung nagmula sila sa ibang bansa ngunit walang sintomas ng COVID-19 samantalang itinuturing naman na PUI kung sila ay galing sa mga bansa na may kaso ng CoVid 19 at nagpakita sila ng mga sintomas nito o kaya ay nagmula sa mga lugar na may mga kaso na ng Corona Virus at may direktang kontak sa mga nagpositibo na mga indibidwal na natukoy na ng DOH.
Una nang nakapagtala ang Lungsod ng 2 PUI na galing ng Hong Kong at Macau subalit nag-negatibo rin ang mga ito sa COVID-19.
Sa ngayon ay nananatiling ‘COVID Free‘ ang Buong Lambak ng Cagayan.