142 TOBACCO FARMERS, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE

Tumanggap ng cash assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan ang nasa 142 na magsasaka ng tabako dito sa Lungsod ng Cauayan.

Pinangunahan ni Joefrey Bautista ng National Tobacco Administration ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga magsasakang higit na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo na tumama sa Lalawigan.

Ang nasabing bilang ng mga benepisyaryo ay mula sa barangay Duminit, Labinab, San Luis, at Villa Luna.

Nagkakahalaga naman ng P1,500 ang natanggap ng bawat tobacco farmers.

Samantala, nagpapasalamat ang LGU Cauayan sa pamumuno ni City Mayor Jaycee Dy Jr. kay Senator Bong Go sa inisyatibo at patuloy nitong pagsuporta sa industriya ng tabako sa bansa.

Facebook Comments