REVITALIZED PNP KASIMBAYANAN, UMARANGKADA NA SA ISABELA

58
Pormal ng inilunsad ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang Revitalized PNP Kasimbayanan nitong Biyernes, September 23, 2022 sa City Hotel, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kaalinsabay ng paglulunsad ay ang Signing of Memorandum of Agreement at oryentasyon ng nabanggit na programa sa pangunguna ni PCol Julio Go, Provincial Director ng IPPO.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilanh sina Police Inspector III Christopher Binoya, NAPOLCOM Isabela Provincial Officer; Engr. Corazon Toribio, DILG Isabela Provincial Director; Ginoong Ricarte Castro, CGLOO; Ginoong Gaylor Malunay, City of Ilagan Liga ng Barangay President.

Kaiisa rin sa programa ang mga religious groups gaya ng Muslim Community at Saint Ferdinand Parish Church at iba’t ibang force multipliers gaya ng Ilagan Association of Women, KKDAT Ilagan, CSI-IG, KIF-ACO, Samahan ng mga Ama, at Citizen Crime Watch.

Facebook Comments