143 Pilipino sa UAE, ginawaran ng pardon —PBBM

Iniulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinagkalooban ng pardon ang 143 na Pilipino sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa Pangulo, malaking ginahawa ito para sa maraming pamilyang Pilipino.

Bagama’t hindi nagbigay ng detalye ang Pangulo tungkol sa pardon, nagpasalamat ito kay UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa pakikipag-usap nito sa telepono.


Nagpasalamat din ito sa humanitarian aid na ipinaabot ng UAE sa Pilipinas kasunod ng sunod-sunod na bagyo na tumama sa bansa.

Umaasa aniya si Pangulong Marcos na magpapatuloy ang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at UAE.

Facebook Comments