149 na kabataan, nagpositibo sa HIV sa QC

Nakapagtala ang Quezon City Health Department (QCHD) ng 149 na katao na na-diagnose na may sakit na HIV sa Lungsod ng Quezon mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Sa QC journalist forum, sinabi ni Sarah Conclara, Special Surveillance Officer (SSO) ng QCHD na karamihan sa mga nagpositibo ay nasa pagitan ng edad 15 to 24.

Karamihan umano sa mga kaso ay nakukuha sa male to male transmission.

Tiniyak naman ni Dr. Francis Sy, head ng Klinika Novaliches-QCHD, na kahit ang mga edad 15 to 16 ay puwede nang magpa-test kung may consent ng kanilang mga magulang.

Ayon pa kay Dr. Sy, ang pagtaas ng kaso ng HIV ay maiuugnay sa curiousity ng kabataan at dulot na rin ng social media kung saan may mga dating app.

Dahil dito, hinikayat ni Dr. Sy na isama ang proper sex education sa mga ituturo sa paaralan at hinikayat niya ang ang kabataan na mag-enroll sa maagang gamutan .

Facebook Comments