Mga LGU, hinikayat ng PAGASA na lubos na gamitin ang mas pinahusay na PANaHON Alert interactive platform

Hinimok ng state weather Bureau na PAGASA ang mga local government unit, partikular ang mga malimit na binabaha na lugar na lubos na gamitin ang mas pinahusay na PANaHON Alert interactive platform.

Ayon kay Ana Solis, head ng climate monitoring and prediction section ng PAGASA, ang upgraded na PANaHON interactive platform ay may integrated na pag-forecast ng lagay ng panahon sa alinmang lokasyon, mas pinahusay ang katumpakan ng impormasyon hinggil sa ibabagsak na pag-uulan, sa mararanasang temperatura at sa lakas at pressure ng hangin.

Ang pag-upgrade sa alert system ay naglalayong mapabuti ang pag-access ng publiko sa tumpak na impormasyon at suportahan ang lokal na pamahalaan na mabawasan ang banta ng peligro, at makabuo ng kongkretong plano sa paghahanda sa sakuna.

Ang mga gagamit ay maaaring maka-access sa interactive na mapa sa pamamagitan ng mga clickable grid point nito, isang time-slider, at mga function sa paghahanap na nakabatay sa lokasyon.

Ang lahat ng weather advisory sa kada rehiyon ay kino-consolidate sa isang sentralisadong alert system, na ipinapakita sa pamamagitan ng mga interactive, color-coded na marker na may kumpletong impormasyon tungkol sa kakaharaping peligro.

Facebook Comments