15.49 milyong indibidwal, nabigyan na ng ECQ ayuda sa NCR Plus area

Umabot na sa 67.60 percent o 15.49 milyong indibidwal mula sa 22.9 milyong benepisyaryo ang nabigyan na ng ayuda sa NCR Plus areas.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang 15.49 million benepisyaryo ay mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal nang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine mula Marso 29 hanggang Abril 11.

Sa kabuuan, umabot na sa P15.53 billion mula sa P22.9 billion pondo ang naipamahagi na.


Sinabi naman ni Año na nakatanggap sila ng 23,292 cash assistance-related complaints, 15,736 ang iniimbestigahan pa at 3,824 ang nasolusyunan na.

Facebook Comments