15 al-Shabab extremists, patay sa airstrike ng US sa Somalia

Patay ang labing limang miyembro ng Al-Shabab Extremist Group sa ikinasang airstrike ng Amerika sa Somalia.

Ayon sa U.S. Africa Command, naganap ang airstrike sa Gandarshe, Lower Shabelle Region at sa bisinidad ng Bariire.

Wala naman nasugatang sibilyan sa nasabing insidente.


Nabatid na ang Al-Shabab Group ay Islamic Extremist Group sa Africa na patuloy ang panggugulo at pang-aatake sa Somalia at Kenya.

Facebook Comments