Matteo Guidicelli, todo deny na nagbigay ng engagement ring kay Sarah G

Inamin ngayon ng aktor na si Matteo Guidicelli na wala pa siyang ibinibigay na engagement ring sa girlfriend nitong si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos na kumalat sa social media ang picture ni Sarah na may suot-suot na sing-sing kung saan inakala ng ilang fans na galing na ito kay Matteo.

Pero say ng aktor, wala pa daw proposal na nagaganap kaya at imposible na magbigay siya ng sing-sing.


Dagdag pa ni Matteo, hindi porket may suot na diamond ring si Sarah ay galing na ito sa kaniya.

Sa huli, inihayag din ng aktor ang ilan niyang plano sa relasyon nila subalit tikom naman ang bibig nito kapag tinanong na tungkol sa pagpapakasal.

Facebook Comments