15 Anyos na Binatilyo, Tiklo sa Pagnanakaw!

64

*Cauayan City, Isabela- *Ipinasakamay na ng mga otoridad sa tanggapan ng City Social  Welfare and Development (CSWD) Cauayan ang kinse anyos na binatilyo matapos matiklo sa pagnanakaw sa isang Sari-Sari store sa Brgy San Francisco, Cauayan City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nakita na lamang ng biktima at may-ari ng tindahan na si Benjamin Duton, 63 anyos, residente ng Brgy San Francisco, Cauayan City, Isabela na bukas ang pwesto nito at napag-alamang nawawala ang kanyang cash collection na nagkakahalaga ng higit kumulang limampung libong piso.


Agad itong humingi ng tulong sa mga Brgy Officials na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek na itinago sa pangalang “Junjun”, Outh of School Youth, residente rin ng naturang barangay habang bumibili ng balot na may dala-dalang naka-bundle na pera.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang ninakaw na pera at dinala ito sa himpilan ng PNP Cauayan City na kalauna’y itinurn-over sa CSWD.

Facebook Comments

From Advertisers