3 drug pusher – arestado sa isinagawang buy bust operation ng QCPD sa isang apartelle sa Cubao, Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong drug pusher matapos magsagawa ng buy bust operation ang mga pulis ng QCPD-station sa isang apartelle sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Russel Phillip John Naong, Rose Mae Arellano at Dianne Rose Valdez.

Nakatanggap ng tip ang mga pulis na sa loob ng Yale apartelle sa Yale Street Brgy. E. Rodriguez na ginagawa ang bentahan ng iligal ng droga kaya’t agad silang nagkasa ng operasyon.


Nabatid na ang nadakip na si Naong ay kilalang tulak ng iligal na droga sa lugar kung saan inaresto naman sina Valdez at Arellano na pawang mga parokyano nito.

Narekober sa mga suspek ang 5 bulto o 25 gramo ng shabu na may street value na 60 libong piso, mga drug paraphernalia at 2,400 pesos na drug money.
DZXL558

Facebook Comments