15 anyos sa Camsur, gumawa ng sariling upuan sa klase

Image via GMA News

Tampok ngayon ang isang estudyante sa Jose De Villa National High School sa Calabanga, Camarines Sur na si Miguel Galarde dahil sa sariling sikap na makagawa ng upuan at lamesa upang makapag-aral ng maayos lamang.

Sa ulat ng Unang Hirit sa GMA, sinabi niyang ginawa niya ito upang maging komportable at hindi na lamang siya nakasalampak sa sahig habang nag-aaral.

“Ginawa ko lang po ‘to dahil mahirap man po sa akin na, sa amin pong lahat, na wala pong upuan. Naisip ko po na siguro gumawa po ako ng upuan para komportable naman po ako sa pagsusulat,” pahayag ni Galarde.


Ayon sa kaniyang guro na si Cabrera, natutuwa siya sa pagkukusa ni Galarde na gawin ito.

Tinulungan siya ng kaniyang mga kapatid na makagawa nito mula sa pira-pirasong kahoy.

Facebook Comments