15-ARAW NA RENTAL RELIEF, POSIBLENG ILAAN SA MGA VENDOR SA MALIMGAS MARKET ‎ ‎

Posibleng makakuha ng hanggang 15 araw na bawas sa renta ang mga vendor sa Malimgas Public Market na matinding naapektuhan ng matagal na pagbaha.
‎

‎Ito ang inihayag ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez matapos hilingin ng mga stallholder na tuluyang alisin ang kanilang renta para sa buong buwan ng Agosto.
‎

‎Ayon sa mga vendor, malaki ang ibinaba ng kanilang kita dahil kakaunti ang mga mamimiling nagtutungo sa palengke kasunod ng mga pagbaha.
‎

‎Sinabi ni Fernandez na maaaring maglaan ang lungsod ng rental subsidy na aabot sa 15 araw. Gayunman, kailangan pa itong wqqisalang sa Sangguniang Panlungsod para sa kaukulang pag-apruba.
‎

‎SOT: MAYOR BELEN T. FERNANDEZ
‎CITY OF DAGUPAN
‎

‎Hindi lamang mga vendor ang sinabing naapektuhan ng pagbaha.
‎

‎Ayon sa alkalde, ramdam din ang epekto nito ng mga transport worker at construction worker, na kabilang sa mga sektor na nakaranas ng pagbaba ng kita.
‎

‎Gayunman, kailangan umanong timbangin ng lungsod ang kakayahan nitong magbigay ng dagdag na ayuda dahil mayroon ding regular na gastusing kailangang tugunan, kabilang ang bayarin sa kuryente.
‎

‎SOT: MAYOR BELEN T. FERNANDEZ
‎CITY OF DAGUPAN
‎

‎Matatandaang umapela ang mga stallholder sa Sangguniang Panlungsod para sa kanselasyon ng kanilang renta sa buong buwan ng Agosto, bunsod ng pagkalugi na kanilang naranasan dahil sa pagbaha.
‎

‎Sa ngayon, hanggang 15 araw na rental relief ang nakikitang posibleng solusyon ng lokal na pamahalaan habang hinihintay ang magiging aksiyon at pag-apruba ng konseho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments