Animoy palaisdaan ang paligid ng mga bahay sa Sitio Riverside, Barangay Malabago dahil sa tubig baha na naipon sa kanilang lugar.
Halos abot tuhod pa rin kasi ang tubig baha dahil sa pag-ulan na dulot ng habagat na araw-araw tinitiis ng mga residente.
Ayon sa mga residente, mahigit isang buwan na nilang iniinda ang tubig baha na hindi umano bumaba at patuloy na nagpapahirap sa kanilang pang araw-araw na buhay.
Dagdag nila, apektado ng tubig baha ang pagpasok sa trabaho at paaralan, maging ang seguridad ng kanilang kalusugan dahil na rin sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.
Kagaya na lamang ni Antonio Molina na pinasok ng tubig baha ang sariling bahay, pasanin sa kaniya ang di humuhupang tubig lalo na’t may pangangailangan siyang pangkalusugan.
SOT
ANTONIO MOLINA
RESIDENTE
Tinitingnang rason ng mga residente kaya hindi humuhupa ang tubig ay ang kalsada na itinayo sa Barangay Longos na katabi ng kanilang barangay.
Hindi umano sila nakararanas ng pangmatagalang pagbaha noong wala pa ang nasabing kalsada dahil ayon sa kanila, umaagos ang tubig baha mula sa kanilang sitio papunta sa sitio ng Barangay Longos na kalaunay lalabas sa kailugan.
Nang maitayo at maisakatuparan na ang kalsada, natakpan na umano ang natural na daanan ng tubig kaya’t naimbak sa kanilang sitio.
SOT
Sa kabila nito sinuri kahapon, Setyembre 15 ng DPWH ang ginawang kalsada bilang tugon sa pormal na sulat na ipinadala ng Barangay Malabago upang matignan, masuri at mahanapan ng tamang solusyon ang patuloy na pagbaha sa lugar.
Samantala, nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang kapitan nang dahil sa isinagawang inspeksyon sa proyekto,
Kalaunay nagka-usap at nakapag-ayos din ang dalawa at sinabing nadala lamang sila ng kani-kanilang bugso ng damdamin at emosyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










