Standupper: Balik normal na ang Operasyon dito sa Terminal Bus ng Dagupan City na kung saan pagtaas naman ng petrolyo ang kanilang dagok na kinakaharap ngayon.
Matatandaang isa sa naging apektado ng mga nagdaang bagyo at habagay ang operasyon ng Bus Terminal sa Dagupan City.
Ayon noon kay Francis Mararac, Operation Manager, ipinatupad ang scheduled operation ng mga bus dahil sa matumal na biyahe dulot ng sama ng panahon.
Sa muling pagbisita ng IFM News Team sa terminal, sinabi ni Leonard De Guzman, Terminal Manager, na tatlong araw na umanong bumalik sa normal ang kanilang operasyon.
SOT – LEONARD DE GUZMAN, TERMINAL MANAGER
Samantala, aminado ang pamunuan ng terminal na dagdag pasanin ngayon ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Matapos ang epekto ng bagyo at pagbaha, muli silang nahaharap sa dagdag gastos dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
SOT – LEONARD DE GUZMAN, TERMINAL MANAGER
Matatandaang naglabas ang Department of Energy o DOE ng abiso kaugnay sa mga price adjustment sa mga produktong petrolyo para sa September 15 hanggang 21, 2026.
Ayon sa DOE, ang mga pagbabago sa presyo ay nakabatay sa galaw ng pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang mga kaganapan sa Middle East na nakaaapekto sa global supply at presyo ng petrolyo.
Samantala, ayon kay De Guzman, hindi pa umano lubusang nakakabawi ang kanilang kita matapos ang bagyo dahil unti-unti pa lamang nilang binabawi ang nawalang operasyon.
May ilang pangunahing kalsada rin umanong patuloy na apektado ng pagbaha na nakaaapekto sa daloy ng mga biyahero.
At ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon, panibagong hamon naman para sa kanilang sektor ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
SOT – LEONARD DE GUZMAN, TERMINAL MANAGER
Patuloy namang binabantayan ng mga operator ang epekto ng oil price hike sa kanilang operasyon, partikular sa gastusin sa biyahe at kita ng mga bus operator. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










