15 katao, na-ospital dahil sa kinaing cake; imbestigasyon sa bakeshop na pinagbilan ng cake, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa isang bakeshop sa Masbate matapos ma-ospital ang 15 katao dahil sa kinaing cake.

Ayon sa imbestigasyon, sumama ang pakiramdam at nagsuka ang mga biktima na karamihan ay mga bata matapos kumain ng cake sa isang birthday party sa barangay igang sa nasabing lungsod.

Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon.


Sa ngayon, nagpapagaling pa ang mga biktima habang hindi pa rin pinapangalanan ng mga otoriad ang bakeshop at ang may-ari nito dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Nation

Facebook Comments