15 Magsasaka, Nabiyayaan ng Kalabaw sa Abra

Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng tig-isang alagang Kalabaw ang 15 magsasaka na miyembro ng Taripan Farmers’ Association sa Malibcong, Abra.

Ito ay proyekto ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-Cordillera at Pamahalaang panlalawigan ng Abra para sa mga itinuturing na Indigenous People sa nasabing probinsya.

Isa itong mandato ng NCIP na tulungan ang mga kasapi ng NCIP para sila’y mabigyan ng hanapbuhay o pwedeng makatulong para sa kanilang pwedeng pagkakitaan.


Bukod dito, nagsagawa din ang NCIP Abra sa mga benepisyaryong magsasaka ng libreng konsultasyon at pagsasanay para sa wastong pag-aalaga ng Kalabaw.

Facebook Comments