Dalagita, Ginahasa ng Paulit-ulit ng Sariling Kapatid sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa Nueva Vizcaya matapos umanong gahasain ng paulit-ulit ang kanyang menor de edad na kapatid.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), dinakip ang akusado na kinilalang si alyas “Mark”, 26-anyos at residente ng Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cicero Jandoc ng RTC Br. 29 Bayombong.


Batay sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa biktima, makailang beses umano itong ginahasa ng kanyang kuya na nag-umpisa noon pang March 2019 nang pasukin ito sa kanyang kwarto hawak-hawak ang kutsilyo.

Dagdag pa dito, nasundan pa ang panghahalay sa kanya kapag umuuwing lasing ang akusado at hindi rin kaagad nakapagsumbong ang dalagita sa mga awtoridad matapos umano siyang pagbantaan na papatayin.

Sinampahan na ng kasong Rape ang akusado na nasa pangangalaga ngayon ng Villaverde Police Station.

Facebook Comments