Cauayan City, Isabela- Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay kaugnay sa fish processing ang 15 miyembro ng Oshwind Multipurpose Cooperative sa Brgy. Bagnos, Alicia, Isabela sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Isabela.
Pinangunahan mismo nina TESDA Assistant Professor IV Ms. Leona S. Cayapan at Assistant Staff Ms. Marife A. Rivero ang demonstrasyon at pagtuturo kung paano gumawa ng smoked fish o ‘Tinapa’, fish siomai, fish longganisa, bagoong at fish chicharon.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi pa rin ng Shared Service Facility Program’s 4R (Revisit, Reassess, Retrain, Rev-Up) Phase 2 ng DTI.
Layon nito na mapabuti ang kanilang mga nagagawang produkto gamit ang mga ipinahiram na gamit at pasilidad ng nasabing ahensya sa pamamagitan ng kanilang maigting na monitoring at pagsasagawa ng mga nasabing training.
Facebook Comments