15 patay, matapos ang 5.7 magnitude na lindol sa Pakistan

15 katao ang nasawi matapos tumama ang 5.7 magnitude na lindol sa Pakistan.

Batay sa datos ng US Geological Survey, tumama ang lindol bandang alas-3:00 kaninang umaga na may lalim na 20 kilometers at naramdaman sa siyudad ng Quetta at iba pang mga karatig lugar.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga biktima ng lindol ay isang ginang at anim na bata.


Samantala, posibleng umakyat pa sa higit 20 katao ang maiitalang nasawi mula sa trahedya.

Facebook Comments