
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na 150 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel ang nakatakdang sumailalim sa repatriation.
Sa harap ito ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan kung saan ilang Pinoy na ang nadamay sa palitan ng missile ng Israel at ng Iran.
Ayon kay Cacdac, may dalawa na rin silang shelter na inilaan sa OFWS sa Israel para sa kanilang pansamantalang tirahan.
Tiniyak din ni Cacdac na patuloy nilang pinaplantsa ang iba pa nilang contingency plans para sa mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa Israel.N1
Facebook Comments









