27 pang opisyal ng ibang ahensya ng pamahalaan, naalis na rin sa pwesto

Bukod sa 17 na naalis sa Presidential Communications Office (PCO), may 27 na iba pang undersecretaries at opisyal mula sa ibang tanggapan ang natanggal na sa posisyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang mga ito ay hindi na magpapatuloy pa dahil nag-expire na ang kanilang termino, habang ang iba ay tinanggap din ang courtesy resignation.

Hindi na rin binanggit ni Castro kung ano-anong departamento ang pinanggalingan ng mga naturang opisyal.

Samantala, kinumpirma ni Castro ang re-appointment ni Pangulo Marcos kay Henry Aguda bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Matatandaang na-bypass din ad interim appointment ni Aguda noong June 11, matapos suspendihin ng Commission on Appointments ang deliberasyon dahil sa kakulangan ng oras.

Facebook Comments