Tiniyak ng pamahalaan na bubuhusan ng COVID-10 vaccine ang 1,500 barangay sa bansa na natukoy na ‘center of gravity’ ng pandemya.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad sa mga bakuna ang mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.
Aniya, 20% ng suplay ng bakuna na lamang ang nasa National Capital Region (NCR) habang ang 80% ay ipinakalat na sa iba’t ibang probinsya.
Nangako rin si Galvez na bibigyan ng bakuna ang mga lokal na pamahalaan na lubos na nangangailangan ng mga ito.
Facebook Comments