Mahigit 6,000 bagong COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

36

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,266 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

5,257 naman ang bagong kaso at 146 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na ang COVID cases sa bansa sa 1,240,716.

Ang aktibong kaso naman ay 52,132 habang ang total recoveries ay 1,167 426.

Ang total deaths naman ay 21,158.

Facebook Comments