1,500 PUNO NAKATAKDANG ITANIM SA TONDALIGAN NGAYONG ARAW BILANG BAHAGI NG IKA-78 ARAW NG DAGUPAN

Bilang bahagi ng ika-78 Araw ng Dagupan, magsasagawa ang lungsod ng isang tree planting activity sa Tondaligan Blue Beach ngayong umaga.
Sa temang “Punla ng Pamilya, Puno ng Pag-asa”, inaasahang makikiisa ang iba’t ibang sektor at pamilya sa pagtatanim ng 1,500 katutubong punong-kahoy bilang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa.

 

Mula sa dating dumpsite, layunin ng aktibidad na gawing pasyalan ang Tondaligan, habang isinusulong ang adbokasiya para sa kalikasan at mas ligtas na kinabukasan.

Inanyayahan naman ang publiko na makilahok at maging bahagi ng pagbabagong ito — mula dumpsite tungo sa fun site.

Sa pakikipag-ugnayan naman ng IFM News Dagupan sa lokal na pamahalaan ng Dagupan, kinumpirma nito na may pasok ngayong araw ang opisina’t mga paaralan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments