1,534 Drug-Cleared,579 Drug-Free Barangay sa Lambak ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Naglabas ng resolusyon ang Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program (ROCBDC) 2 para sa ‘No Active Drug Personalities’ habang inaprubahan naman ang pagpapanatili sa ilang barangay bilang drug-cleared sa lambak ng Cagayan.

Kabuuang 32 barangay mula sa mga bayan ng Gattaran, Rizal, sa Cagayan at Quirino, Isabela ang hinainan ng resolusyon na no active drug personalities para sa beripikasyon ng drug free barangays.

Gayundin, inaprubahan ng komite ang pagpapanatili ng walumpu’t walong mga barangay sa mga sumusunod na munisipalidad sa Lalawigan ng Quirino kabilang ang labing-pitong (17) sa bayan ng Aglipay, labing-lima (15) sa Cabarroguis, labing-walo sa Diffun, anim (6) sa Nagtipunan at siyam (9) sa Saguday.

Sa datos, may kabuuang 2,311 barangays ang rehiyon dos kung saan 1,534 ang drug-cleared at 579 ang drug-free habang 198 ang drug-affected barangays na mapapasama sa clearing.

Facebook Comments