Binabantayan ngayon ng World Health Organization (WHO) ang 155 katao na nakasalamuha ng may kumpirmadong kaso ng Marburg virus disease sa Guinea.
Ayon sa WHO, unang natuklasan ang Marburg virus sa Gueckedou sa Guinea, West Africa na naglilipat-lipat sa mga paniki at iba pang hayop.
Inihalintulad din ito sa highly infectious na Ebola virus na tinatayang pinakanakamamatay sa kasaysayan.
Nabatid ding mayroong fatality rate na 24% hanggang 88% ang indibidwal na may marburg disease at kasalukuyang wala pang bakuna o gamot pangontra dito.
Facebook Comments