Kinilala ang isang 16 taong gulang na mang-aawit sa isang resolusyon ng konseho ng Lungsod ng Cauayan dahil sa karangalan na nakamit nito sa katatapos lamang na World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Long Beach, California, USA.
Una rito, nagtagisan ng talento ang 72 na bansa at mapalad na napili si Monica Franceska Cortes na tubong District 3, Cauayan City sa kanyang vocal-solo category.
Nagpamalas ng talento sa pagkanta si Monica Franceska matapos itong mag uwi ng Silver Medalist bilang kinatawan ng Pilipinas sa vocal-solo category noong ika-12 hanggang ika-21 ng Hulyo na naganap sa nasabing bansa.
Ayon kay Cortes, may mga pagkakataon anya itong nawawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil na rin sa karanasan sa pambubully.
Nagbigay naman ng mensahe si Cortes sa mga kabataan na huwag mawalan ng pag asa at ituloy lamang ang pangarap para sa sarili.
Bukod dito, naging bahagi rin ng musical theater arts sa hollywood na Les Misérables si Cortes na ginanap sa Pampanga.
Ang WCOPA ay binubuo ng mga talento gaya pagsayaw, pagkanta, pagmomodelo, pag arte, paggamit ng mga instrumento, at iba’t ibang klase ng sining.