Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR)ng patung-patong na kaso ang labing anim na mga korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Abot ng halos isang bilyong piso na buwis ang hindi binayaran ng mga ito mula 2008 hanggang 2016.
Ang mga delingkuwenteng kumpanya ay inireklamo ng tax evasion matapos dedmahin ang mga abiso ng kawanihan.
Kabilang sa mga kinasuhan ang 14 korporasyon na:
A.G. Herrera Construction Corporation
Famos Combined Services
Spinmaster Textile Manufacturing Corporation
Cholle Mig Incorporated
G.V. Cosmetics Incorporated
Goldsun Enterprises Corporation
Justbest Sales Corporation
WM Manufacturing
Zeemsheen Inc
Cornell Specialty Steel Incorporated
Krystal Gem Multisales Corporation
Topgun Industrial and General Merchandise
Kain Sun International Corporation
Kasama naman sa mga negosyanteng inirekomenda ang mga negosyante na sina Eugenio dela Merced at Leonides Libunao Ligon.
Ang pinakamalaking tax liability ay sa Just best na matatagpuan sa Caloocan City na aabot sa P382 million at sumunod naman ang negosyanteng si Ligon ng Jadd Green Marketing na mahigit P192 million.