PNP tiniyak na patuloy na hinahanap ang mga ibang akusado sa Maguindanao Massacre

Siniguro ng PNP na walang tigil ang kanilang paghahanap sa iba pang akusado sa Maguindanao Massacre.

Sinabi ito ni PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac bago pa man ibaba ang desisyon sa mga pangunahing akusado sa naturang kaso.

Aniya hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa mga biktima ng karumal dumal na krimen.


Sa ngayon nasa 80 pa ang mga akusado sa kaso na nananatiling at large.

Marami sa mga ito ay mga pulis at mga sundalo na nagsilbing Security ng mga Ampatuan sa panahon na maganap ang Massacre noong 2009.

Matatandaang 58 biktima na kabilang sa convoy ng kalaban sa eleksyon ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan at mga journalist.

Facebook Comments