16 taong gulang, hiniwalayan ng boyfriend – nagbigti

50

General Santos, Philippines – Wala nang buhay nang natagpuan ng ginang na si Fe Aurelio Pareño ang kanyang  16 na taong gulang na anak na si alias Nevea, matapos  itong nagbigti sa loob mismo ng kanyang silid sa kanilang bahay sa may Sunrise Subd., Barangay Lagao, General, Santos City.

 

Alas 6:00 ng gabi nuong Martes nang nagulantang nalang ang ina ng biktima nang makita itong  wala nang buhay ang kanyang anak matapos itong nagbigti gamit ang telephone wire.

 

Agad na naghingi ng tulong ang ginang sa kanyang mga kaanak para makuha sa kanyang pagkakatali ang biktima.

 

Naniniwala ang ina ni Nevea na ang hiwalayan ng kanyang anak at ng boyfriend nito ang dahilan ng kanyang pagpakamatay.


Facebook Comments