Pulis at sibilyan nagdwelo-parehong patay

General Santos, Philippines – Parehong patay ang isang pulis at isang sibilyan matapos silang nagdwelo sa labas ng isang bar sa barangay Tambler, General Santos City.

 

Kinilala ang  pulis na si PO2 Rey Florendo, 32 taong gulang, Intel Operative ng  Fatima Police Station habang ang suspek nakilala naman na si Sem Bayot, residente ng  Stella Mariz, Barangay Tambler.

 

Napag-alaman na nagpaputok ng baril ang suspek matapos itong nagselos dahil inakbayan umano ng isang customer ang kanyang kasintahan na nagtatrabaho sa nasabing bar.

 

Nagkataon naman na nandoon ang pulis dahil nakipagtagpo ito sa kanyang asset para sa gagawin sanang operasyon laban sa isang indibidwal na involved sa illegal drugs.

 

Nang nakita nitong may baril ang suspek kanya itong sinita pero bumunot ito ng baril at nakipagbarilan sa parak.

 

Sabay naman natumba ang dalawa na kapwa nagtamo ng tig-tatlong sugat sa kanilang katawan.

 

Agad silang dinala sa Mindanao Medical Center pero idineklarang dead on arrival.


Facebook Comments