Aabot na sa 166 na paaralan sa Ilocos Region ang nagsimula sa limited face-to-face classes.
Ayon kay Cesar Bucsit ang Chief ng Public Affairs Unit ng DepEd Region 1, ilan sa mga paaralang ito ay nag back to face-to-face classes na noon pang February 21.
Sa Pangasinan nasa 58 paaralan ang naaprubahang magsagawa ng limited face-to-face classes, 53 sa Ilocos Norte at 55 sa Ilocos Sur.
Sa kasalukuyan wala pang paaralan sa La Union ang nagsimula sa sa limited face-to-face classes ngunit patuloy ang paghahanda ng walong paaralan dito sakaling maka kuha ng go signal mula sa kagawaran gayundin ang lungsod ng Dagupan na mayroong limang paaralan na naghahanda para dito. | ifmnews
Facebook Comments