169 na estudyante mula sa Marawi City, nag-enroll at pumasok sa iba`t-ibang paaralan sa rehiyon 12

SOCCSKSARGEN Region – Umabot sa 169 na mga estudyanteng lumikas dahil sa kaguluhan sa Marawi City ang nakapag-enroll at pumasok sa mga pampublikong paaralan sa SOCCSKSARGEN Region at kabilang sa mahigit isang milyong mag-aaral sa rehiyon.

Ito ang kinumpirma mismo ni Department of Education 12 OIC Regional Director Arturo Bayocot na batay sa kanilang talaan nitong Lunes, Hunyo 5, mayroon nang 169 na transferees galing sa Marawi City.

Limampu sa kanilang ay lumipat sa mga paaralan sa Cotabato City samantalang 35 naman sa lalawigan ng Sultan Kudarat.


Habang ang nalalabing bilang ay nakapag-enroll sa iba’t ibang paaralan ng rehiyon dose.

Lumalabas naman sa datos ng DepEd 12, mayroon nang 1,096,320 na mag-aaral ang nakapag-enroll at pumapasok sa mga paaralan sa rehiyon at patuloy pa ring tumatanggap ang mga eskwelahan ng mga nagnanais pang makapag-enroll.

Nanawagan din si Director Bayocot sa mga magulang at mag-aaral na huwag nang hintayin pa ang Hunyo 30 para makapag-enrol.

Inihayag din ng opisyal na naging maayos ang pagbubukas ng klase sa buong SOCCSKSARGEN Region kahapon.
DZXL558

Facebook Comments