AFP CentCom, inaalam pa kung totoong may presensiya ng libo-libong mga ISIS dito sa bansa

133

Cebu, Philippines – Patuloy na inaalam ng Armed Forces of the Philippines Central Command kung totoo ngang may 1, 200 mga dayuhang miyembro ng ISIS na nakapasok sa bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP Centcom na si Colonel Medel Aguilar, bagama`t may ilang dayuhan na napatunayang sumanib sa Maute Group na kasama sa napatay sa giyera sa Marawi City, hindi makompirma ng militar kung tama ang ibinigay na bilang ng isang defense official ng Indonesia.


Tiniyak naman ni Aguilar na wala pang miyembro ng ISIS na nakapasok sa kabisayaan sa kabila nang nagpapatuloy na bakbakan ng military at ISIS –inspired na Maute Group sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments