17 Bayan sa Isabela, Wala ng kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng mga bayan na wala ng kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office as of December 24, 2021, tumaas na sa 17 ang bilang ng mga lugar na “COVID-19 free” sa probinsya at bumaba na lamang sa 62 ang aktibong kaso.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Burgos, Cabagan, Cordon, Dinapigue, Divilacan, Gamu, Jones, Naguilian, Palanan, Quezon, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Mateo, San Pablo, Sta. Maria, Sto. Tomas.


Samantala, nakapagtala na lamang ang lalawigan ng siyam (9) na panibagong positibong kaso; walong bagong gumaling habang wala namang naitalang namatay sa COVID-19.

Nanatili naman sa 2,065 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 habang tumaas naman sa 58,608 ang total recoveries ng probinsya.

Nasa 60,735 naman ang naitalang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments