Metro Manila Mayors, nagkasundong isara ang lahat ng sementeryo sa Undas

Napagkasunduan na ng lahat ng mga alkalde sa Metro Manila na isara sa nalalapit na Undas ang mga sementeryo.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia at Metro Manila Council Chairman at ParaƱaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sa ngayon, inilalatag pa lamang ang mga guidelines hinggil dito.


Una nang nag-anunsyo si Manila Mayor Isko Moreno na isasara ang lahat ng sementeryo sa Maynila mula October 31 hanggang November 3.

Maging si Marikina Mayor Marcy Teodoro ay nag-abiso na ring isasara ang mga sementeryo sa lungsod mula October 31 hanggang November 2, ngunit papayagan ang mga residente na makabisita sa puntod ng mga mahal sa buhay simula October 15.

Facebook Comments