Cauayan City, Isabela- Fully recovered na ang labing pito (17) na naitalang kaso ng Delta variant sa Rehiyon dos.
Batay sa datos mula sa Epidemiology Bureau (EB) ng Department of Health (DOH) Central Office, ang mga probinsya na apektado ng naturang variant ay ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Sa lalawigan ng Isabela, nakarekober na sa nasabing sakit ang isang (1) nagpositibo sa delta variant sa bayan ng Aurora; isa (1) rin sa San Agustin at tig-dalawang (2) delta variant cases sa bayan ng Jones at Santiago City.
Gumaling rin sa nasabing sakit ang tatlong kaso sa Cagayan na nagmula sa Solana (1) at Tuguegarao City (2).
Ang limang kaso ng Delta Variant na naitala naman sa Nueva Vizcaya na mula sa Bambang (3), Quezon (1) at Bagabag (1) ay nakarekober din.
Pang huli ay ang tatlong (3) delta variant cases na naitala sa bayan ng Diffun, Quirino ay gumaling din.
Kaugnay nito, patuloy ang agresibong contact tracing na kasalukuyang isinasagawa ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng kanilang Special Action Team (SAT).