Cauayan City, Isabela- Nagsagawa kamakailan ng Entrepreneurship Seminar and Consumer Advocacy ang Department of Trade and Industry Quirino sa pamamagitan ng Negosyo Center Cabarroguis na dinaluhan ng 17 na kalahok ng bread making training na may kasamang Entrepreneurial Skills na ginanap sa bayan ng Sto. Domingo Cabarroguis, Quirino.
Ipinaliwanag ni Trade and Industry Development Analyst (TIDA) Rochelle Joy T. Milliona ang karapatan at responsibilidad ng isang mamimili gayundin upang sagutin ang mga katanungan ng mga kalahok na may kaugnay sa programa.
Samantala, itinuro naman si NC JBC Jonalyn Abon kung paano magsimula at mapanatili ang isang negosyo at basic bookkeeping
Pagkatapos nito, gumawa naman ang mga kalahok ng simple business plan at inaral rin ang business financial transaction.
Ang naturang programa ay inisyatibo ng Cabarroguis Community Training Employment Coordinator sa pakikipagtulungan sa Negosyo Center Cabarroguis at TESDA Quirino.
Facebook Comments