CAGAYAN MUSEUM AND HISTORICAL RESEARCH CENTER, PINASINAYAAN

Cauayan City, Isabela- Pormal ng inilunsad kahapon, Pebrero 21,2022 ang Cagayan Museum and Historical Research Center nauna sa mga paparating pang art exhibit na tampok ang mga obra ng mga artist sa Lambak ng Cagayan.

Bida rin ang labing-apat (14) na obra ng visual artist na si Jimmy Jurado Jr.

Si Jurado na isang mang-aawit, kompositor,lyricist,concert producer at publisher,ay isa ring three-time awardee ng Catholic Mass Media Awards at tatanggap ng Dangal ng lahing Cagayano para sa Culture and Arts na ipinagkaloob ng Cagayan Provincial Government.

Hinikayat naman ang mga visual artist at performing artist, collectors at curators, craftsmen at artisans, at iba pang artist mula sa iba’t ibang larangan na interesadong magsagawa ng exhibit sa Cagayan Museum sa pamamagitan ng pagsusumite ng proposal sa kanilang email account ( admin@cagayanmuseum.com).

Facebook Comments