Sinampahan na ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 17 pulis na sangkot sa “Bloody Sunday” o pagpatay sa mga lider ng mangingisda sa Nasugbu, Batangas noong 2021.
March 7, 2021 nang isilbi ng pulisya at militar ang 24 na search warrant sa Calabarzon na ikinasawi ng siyam na aktibista at pagkakaaresto ng apat na iba pa.
Kabilang sa mga nasawi sa operasyon ang mag-asawang sina Chai Lemita at Ariel Evangelista matapos umanong manlaban sa pagsisilbi ng search warrant sa kanilang cottage sa Nasugbu, Batangas.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay, ang sinampang kaso ng NBI ay resulta ng ilang buwang ebalwasyon ng Special Investigation Team (SIT) sa ilalim ng Inter-Agency Committee na binuo sa ilalim ng Administrative Order No. 35 (AO 35).
Nabatid na ito na ang pangalawang reklamo sa pagpatay laban sa mga pulis na sangkot sa “Bloody Sunday” killings.
Ang AO 35 task force ay isang inter-agency panel na naglalayong imbestigahan ang mga extrajudicial killings, pagkawala, torture at