Vaccination t-shirt, patok sa social media

65

Trending ngayon sa social media ang “vaccination t-shirt” matapos i-imprenta ng isang print shop owner sa Lipa City, Batangas ang kaniyang vaccination card sa harap at likod ng kaniyang damit.

Ang ideyang ito ay naisip ni Jojo Pasia dahil lahat aniya ng establisyementong pinapasukan niya ay kailangan i-pakita ang vaccination card kaya naman ini-scan niya ang kanyang ID at itinatak sa t-shirt.

Naging hit ang t-shirt na ito matapos niyang i-suot at i-post sa social media.


Aniya, marami ang nais magpagawa kahit pa ang kanilang barangay captain.

Nakatanggap ng kompletong bakuna si Pasia noong November 2021 at plano niyang magtatak muli ng panibagong t-shirt kapag siya ay nakatanggap na ng booster shot.

Facebook Comments