‘No vax, No entry,’ umiiral na rin sa ilang probinsya – LPP

25

Ipinatupad na rin ng ilang gobernador ang “No vaccination, No entry” policy sa mga probinsya ayon sa League of Provinces of the Philippines (LPP).

Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., ilang probinsya lamang ang nagpapapasok ng mga hindi bakunadong indibidwal kapag may naipakitang negatibong resulta ng RT-PCR test.

Aniya, marami ng mga gobernador ang nagpapatupad ng ‘No vax, No entry,’ policy.


Paliwanag ni Velasco na may kaniya-kaniyang istratehiya ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng polisiyang ito.

Samantala, humingi naman ng pang-unawa ang gobernador sa publiko mula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 kung hindi ito makakapasok sa mga probinsya.

Facebook Comments