Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Precila Delima, Executive Director ng ISU Cauayan Campus, magdaraos ngayon ang unibersidad ng face-to-face graduation ceremony ngunit ipapatupad pa rin ang pagsusuot ng face mask para sa mga graduates, mga magulang at iba pang bisitang dadalo. Ito ay matapos bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya.
Matatandaan na noong nakaraang taon, idinaos lamang ang graduation ng mga estudyante online.
Dagdag niya, dahil sa bilang ng magsisipagtapos ay magdaraos ng dalawang gradution ceremony – isa sa umaga at isa sa hapon.
Nakatakdang ganapin ang graduation ceremony sa F.L.DY Coliseum
Magsisilbi namang guest speaker para sa graduation ngayong taon si CHED Region II Regional Director Atty. Cicero Domingo.
Nakatakda naman sa Agosto 8, 2022 ang recognition para sa Academic Honor at Excellence para sa mga extracurricular activities.
Ayon kay Dr. Adela Reyno, registrar ng ISU Cauayan Campus, may 63 ang paparangalan ng Cum Laude at Magna Cum Laude mula sa iba’t ibang colleges.
Samantala, 15 naman ang magtatapos ng abogasya.
Nasa humigit kumulang pito hanggang walang libo ang mag-aaral sa sa ISU Cauayan Campus kada semester.