Ateneo de Manila University, magsasagawa ng fund raising para sa nasawing security guard na nadamay sa pamamaril noong linggo

Magsasagawa ng fund raising ang Ateneo de Manila University para kay Jeneven Bendiala, isang security guard na nasawi sa insidente ng pamamaril noong Linggo, Hulyo 24, sa naturang paaralan.

Ito ay upang tulungan ang naiwang pamilya ng ni Bendiala.

Matatandaang isa si Bendiala sa tatlong nasawi sa pamamaril ng suspek na si Dr. Chao Tiao Yumul, habang dinaraos ang graduation rights ng Ateneo Law School.


Nasawi rin ang dating mayor ng Lamitan, Basilan na si Rose Furigay at ang kaniyang aide na si Victor Capistrano.

Habang nagtamo naman ng sugat ang anak ni Furigay na si Hannah na kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.

Samantala, nakikiisa rin ang De La Salle University sa pagdarasal para sa mga pamilya ng mga biktima sa nasabing insidente.

Facebook Comments