175K NA ALAGANG HAYOP SA PANGASINAN, NABAKUNAHAN NG ANTI-RABIES

Umabot na sa higit 175,000 na alagang aso at pusa ang nabakunahan ng anti rabies sa nagpapatuloy na programa ng Provincial Veterinary Office ng Pangasinan.
Ayon sa tanggapan, nabakunahan ang mga ito mula sa pitumpung aktibidad na nagsagawa Katuwang ang mga lokal na Pamahalaan.

Nasa 1,630 vial ng rabies vaccine umano ang naipamahagi rin ng ahensya sa mga bayan.

Ang pagbabakuna ay isang epektibong paraan upang maprotektahan ang mga alagang hayop laban sa iba’t ibang uri ng sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon o kamatayan.

Ang mga sakit na maaaring makuha sa mga hayop ay hindi lamang banta sa kanilang Kalusugan kundi pati na rin sa mga tao, lalo na ang rabies na maaaring maisalin mula sa kagat o laway ng hayop.

Samantala, patuloy ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan na maging responsableng fur parents. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨


Facebook Comments