Inilunsad ang libreng Human Immunodeficiency Virus o HIV testing sa bayan ng Manaoag sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU), lokal na pamahalaan at kolaborasyon sa grupo ng PRIDE Manaoag.
Ang naturang proyekto ay naglalayon na matulungan na mawakasan ang patuloy na lumalaganap na kaso ng HIV sa probinsya.
Bukas ang tanggapan ng RHU Manaoag tuwing araw ng Huwebes para sa pagpapaunlak ng libreng HIV Testing.
Makatutulong ang maagang pagpapa test sa HIV sa pag monitor sa bilang ng mga nag popositibo at tuluyang mawakasan ang sakit.
Patuloy din ang panghihikayat ng Pangasinan Provincial Health Office sa publiko na huwag matakot na magpa-HIV testing upang matigil ang stigma at agad na matulungan ang mga magpopositibo sa naturang sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments